00:00
04:43
Mga tala'y nagliwanag sa ating pag-iisa
At ang ihip ng tadhana'y pinagtagpo pa tayong dalawa
Ikaw ang ninanais
Yakapin ang damdamin kong aapaw na
Gising, sinta, alon ng dagat ay hahampas na
Halik ng kahapon ay nagpaalam na
At handa na akong sumabay sa pag-agos ng aking mundo
Pakinggan ang himig at bulong ng puso ko
Ang oras na lumilipas ay may takdang hangganan
Susubuking paikutin pabalik ang kamay ng orasan
Sabihin ang sanhi kung bakit bumitiw
Mapipigil ba kung nais mong lumaya na?
Gising, sinta, alon ng dagat ay hahampas na
Halik ng kahapon ay nagpaalam na
At handa na akong sumabay sa pag-agos ng aking mundo
Pakinggan ang himig at bulong ng puso ko
Kung sakali na tayo'y magkatagpo
Pagkatapos maghilom ng ating puso
Pag-ibig ba'y isusugal mo?
Aaminin na 'di sinasadya
Patawarin kung pagmamahal ay naglaho na
♪
Alon ng dagat ay hahampas na
♪
Alon ng dagat ay hahampas na
♪
Alon ng dagat ay hahampas na
♪
Alon ng dagat ay hahampas na