background cover of music playing
Unfair - Jnske

Unfair

Jnske

00:00

03:48

Similar recommendations

Lyric

Wala 'kong magawa, 'pag nagdedesisyon ka

Nakalimutan mo atang ako'y may emosyon pa

Wala kang pakialam sa'ting situwasyon

Na parang ako lang, ang mayro'ng paki at mayro'ng gana

Madalang na lang tayo na magkita

'Di ko alam kung maiintindihan pa ba kita

Sa gusto mo, ikaw lang ang laging may nahihita

Pa'no na ang kinabukasan natin, kung gan'yan ka

Masyado mo akong naabuso

Dinadaan mo ako sa tusok

'Pag tapos, ay ito ako susulok

Tinatama ang mali sa usok, yeah

Araw-araw, sinanay mo akong ganyan

Kaya paano na lang kung gusto ko nang ayawan

'Di na ako masaya na tumanggap ng dahilan

Sawang-sawa na 'ko, 'di na kita maintindihan

Eh, kasi (dahil sa'yo, dahil sa'yo)

Eh, kasi (dahil sa'yo, dahil sa'yo)

Eh, kasi (dahil sa'yo, dahil sa'yo)

Eh, kasi (dahil sa'yo)

(Mmm)

(Ohh)

Dahil sa'yo, kaya ako ganito

Dahil sa'yo, kaya ako ganito

Mali ako ng pinangarap

Sana 'di na lang kita nahanap

Kasi akala ko nung una, nand'yan ka pa din sa bawat pagtapak

Kaso nga lang, masyado mo akong pinahamak

Sa paraan na tanging ikaw lang ang may alam

Kasalanan kong maniwala sa iyong panlilinlang

Buti hindi ako na-buang, kaya salamat na lang

Kahit ginamit mo lang naman ako para makalimot sa nakaraan mo, oh-oh

Lagi mong tatandaan na mayrong kabayaran, balang araw ang lahat ng 'to

Kasi, lagi mo na minamasama

Minabuti ko na lamang na sa'yo kumawala (wala)

Sa katulad mong medyo pakawala

Natanto ko nang maaga, wala akong mapapala

Ngayon 'di na ako dapat malito

Lalong-lalo 'di ako dapat makadama ng pagkabigo

Yung utak mo na medyo baliko mag-isip

Wala nang pag-asa na tumino

Kasi kakahanap ko ng halaga ko sa iyo

Sa sarili ko halos mawala na ako

Hanggang masabi ko na lang sa sarili ko

"Tama nga sila, 'di ako dapat manatili sa iyo"

Sa huling pagkakataon, paki-sagot, ako ay tumatawag

Alam mo, wala na ako sa iyo pag-asang mapanatag

Paulit-ulit ka lang na pinapaliwanag

Pula na lagi ang pipindutin ko pag ika'y tumawag

Araw-araw, sinanay mo akong ganyan

Kaya paano na lang kung gusto ko nang ayawan

'Di na ako masaya na tumanggap ng dahilan

Sawang-sawa na 'ko, 'di na kita maintindihan

Eh kase (dahil sa'yo, dahil sa'yo)

Eh kase (dahil sa'yo, dahil sa'yo)

Eh kase (dahil sa'yo, dahil sa'yo)

Eh kase (dahil sa'yo, dahil sa'yo)

Mmm

Ohh

Dahil sa'yo kaya ako ganito

Ohh, ohh

- It's already the end -