background cover of music playing
Unli - Flow G

Unli

Flow G

00:00

03:14

Similar recommendations

Lyric

Bars (wala, wala, wala, wala, wala)

Multi (wala, wala, wala, wala)

Wordplay (wala, wala, wala, wala, wala)

Metaphor (wala, wala, wala, wala)

Autotune (wala, wala, wala, wala)

Ex B (baduy, baduy, baduy, baduy, baduy)

Jejemon (FLIP-D on the beat, aruy, aruy, aruy, aruy)

Ngayon pa lang magpapaumanhin na 'ko

Kasi baka ulo niyo masira ko

Maninipa ako ng mga nagsabing mahina ako

Makinig kayo, bihira 'to

Madalas na marinig, sa kanta napakilig

Kasi malikot ang diwa ko

Iba 'yung pinapakita ko

Para 'di nila makita na may tira ako

'Di nakita niyo, madulas ang dila ko

Kaya pagka pumitik klaro

Kung usapang linya naman ay mabisa

Kaya gusto nila na makabisado

'Di man ako magaling kumanta

Pero hindi 'to pipiyok kasi nagtisa ako

'Pag ako sumargo, kalat, sigurado

Kahit lapis lamang ang gawing tako

Buti na nga lang nakangiti pa 'ko

Kahit ang dami na nilang mga ngiting aso

Inaasinta ako, kaso 'di sila asintado

Kaya 'di ako apektado

Iba mag-isip kasi laking kanto

Papatol lang 'ko kapag kikita ako

Kaya minsan lang na maging gago

'Pag 'yung kabaliwan ko binisita 'ko

Kung usapang multi, mabuti na lang

Naparito ka, halika 'papakita ko

Dami ko kasing itinabing bago

Kung susumahin, siguro 60 sako

Tsaka balita ko, galing sa bibig niyo

Madali 'ka mo, oh sige, gawin nga 'to

'Pag hindi niyo nagawa ay para niyo na ring inaming

'Di niyo kaya na itumba ako (bars)

Nasa top na mga flip, hindi marunong magdamit

Inuuna 'yung salawal sa brief

Lahat galing-galingan at baliw-baliwan

Para mapansin ulit 'pag 'di na sila click

Mga barbero na hindi marunong maggupit

Dinadaan na sa kulit para masabing malupit

Pare-pareho na 'yung trip, para sa'n na 'yung barang masakit?

Bibilib lang ako 'pag nailapat niyo sa beat

Madaming magagalit diyan

Pero bago makalapit, matik 'yan punit-punit

Teka nagagalit 'yan, walang avid fan

At wala ring fans sa piso-net

Kitang-kita lang naman 'yung difference sa kanila

'Pag kami gumawa hindi pilit

Ta's kung sino pa 'yung mga silhouette

Nagpapanggap na matigas pero galawang impotent

Pero 'yung mga legit, nakakasama ko sa pic

Kasi nakakasama ko sila sa gig

At 'yung mga naiinggit, hindi sila makadikit

Kasi hindi nila maamin na nabibilib

Kaso halata na kid, mga galaw na weak

Hinding-hindi kayo masasagip

Sa makatuwid, may pag-asa lang sila makatawid

'Pag 'yung pangalan ay kung saan-saan ikakabit

Ganito dumikdik, siksik, mabigat sa dibdib

Alam kong hindi niyo 'to inexpect

Inakala niyong gawa ng Intsek

Kaya wala kayong ideyang ganito kalintik

Kahit na sa mga liblib

Kumakalat ang pangalan namin na binitbit

Habang 'yung mga gumigitgit ay nakakalat

Kaya minsan parang ang sarap nila iligpit

Puro parinig, 'kala niyo 'di ko naririnig

Madalas kasi hindi na lang ako umiimik

Matagal na panahon ko nang gustong mangalabit

Kaso iniisip ko, may bata na nakikinig

'Pag ako nagpaulan ng bara ay hindi pilit, unlimited

Kahit 'yung bawat titik ay hindi tinitipid

Nagdidikit-dikit, ngayon mag-iisip ka

Kung bakit ganito ako mag-isip, hindi nagigipit

At kahit na nakapikit, nakadilat, o tirik man mata

Wala ka ng masisilip na incorrect

Isipin mo na lang kung pano ko sinet

Tahi-tahi 'yung salita, parang napunit ang damit

Ito na 'yung katotohanang masakit na no'ng kami umentra

'Yung mga bida ay naging ekstra

Nagmukha silang napag-iwanan na ng petsa

Eto 'yung ebidensya, laki ng diperensya

- It's already the end -