background cover of music playing
Marlboro Black - Because

Marlboro Black

Because

00:00

03:26

Similar recommendations

Lyric

"Masama ka sa 'kin, masaya ako sa 'yo

Kaya bakit pa natin ipagpipilitan ang hindi pwede?"

Sambit mo sa 'kin pagtapos mong hithitin ang dulo ng 'yong sigarilyo

Magkahawak ang kamay, ngunit 'di mahigpit

At nag-aantay na lang na isa sa 'tin ang bumitaw

Kapalaran na siguro nating masaktan

"Masaya ka sa 'kin, masama ako sa 'yo"

Ngunit ubos na ang lahat, upos na lang ang natira (natira, natira, natira)

Tatlong araw na tayong 'di nag-uusap

Ni isa sa ating dalawa'y 'lang balak makiusap

Alam nating pareho tayong nagkulang

At ang tayo'y 'la na ring patutunguan

Ngayon bakit nga ba tayo nagkita?

Nakalimutan na't tila

Balak nating mag-ayos, ang lalo sa 'ting nagpasira

'Di ba sabi mo noon, kung tayong dalawa'y maghiwalay

Ay magkikita rin sa tamang panahon

Ngayon aking napaisip, papa'no kung gano'n?

Kung tayong nga talagang dalawa'y

Bakit pa tayong dapat na maghiwalay ngayon?

Kung gano'n magbiro ang tadhana

Ay dapat, alam n'yang 'la 'kong oras makipagbiruan ngayon

'Wag mo na 'kong kulitin pa

'Wag ka na ring sumagot kung sakaling kulitin ka

Kung magkasalubong, 'wag na natin pansinin

Ang isa't isa pagkalito'y 'wag ng kunsintihin pa

Dahil hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo, oh

Ibigay kung anong gusto mo, oh

Ibigay anong nararapat sa 'yo, mahal kita, pero tama na

Dahil hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko, oh

Ibigay kung anong gusto ko, oh

Ibigay anong nararapat sa atin dahil 'di na natin kaya

'Wag ng pilitin kahit pwede

Isipin ang sarili't 'wag na sa 'tin dumipende

Mas mahina na nga tayo sa sakiting nagka-dengue

'La tayong magagamot kung pareho tayong pasyente

Hindi mo ko kailangan, at ganun ka rin sa 'kin

Libro ng istorya nating dalawa'y sa simula lang kaaya-ayang basahin

Sumaya na tayo dati, limot natin ang pasanin

Talagang dapat mong asahan ang 'di mo aakalain

Ba't ba tayo naniwala?

Pagmamahalan natin dati pa'y 'di alintanta

Ngayon dapat na limutin na ang ating alaala

Kailangan na magbura para matuto tayo lalo, parang sulat sa pisara

'Wag mo na 'kong tanungin pa

Masasaktan ka pa rin kahit aking saluhin ka

Panandaliang marka lang 'to sa 'tin, parang henna

Pansamantalang pagmamahal 'di dapat ikadena

Dahil hindi ko kayang maging kung sinong gusto mo, oh

Ibigay kung anong gusto mo, oh

Ibigay anong nararapat sa 'yo, mahal kita, pero tama na

Dahil hindi mo kayang maging kung sinong gusto ko, oh

Ibigay kung anong gusto ko, oh

Ibigay anong nararapat sa atin dahil 'di na natin kaya

- It's already the end -