background cover of music playing
Sumugal - Hev Abi

Sumugal

Hev Abi

00:00

03:01

Similar recommendations

Lyric

NJ on the track, yeah

Mga panalangin sana naman ay matupad

Ako walang kasalanan at marunong malugar

At para sa 'yo, baby, alam mo na handa ako sumugal, sumugal

Mga panalangin sana naman ay matupad

Ako walang kasalanan at marunong malugar

At para sa 'yo, baby, alam mo na handa ako sumugal, sumugal

At ako'y sugalero, tingnan mo terno tayo pagka magkatabi

Tag-isang hati, nasa dila nalusaw, tanggal ang uhaw, nakatawid

Tanggalin damit, masakit man, 'di na lang muna, sa susunod na lang

'Pag pupuntos na lang, pagkaupos na lang

Pansariling gamit mo, baby

Dadalhin ka sa langit kung sakaling pangit timpla mo, baby

Tila may yelo sa gitna natin, nito'y 'pag nakaharap sa 'kin

Kahit na pilitin na baliin ang usapan, bumabalik pa rin sa kung pa'no ba ako aamin

Ako walang kasalanan, bakit 'di ka sa 'kin tumuloy? Oh

Lumubog na sa kumunoy mo

Tila palaisapan sa 'ting dalawa

Kung pa'no pa ba natin na itutuloy 'to

Oh, ang mga tinatago ko sa 'yo ngayon kalat

'Di alam kung aabante ba ako o aatras

Mga panalangin sana naman ay matupad

Ako walang kasalanan at marunong malugar

At para sa 'yo, baby, alam mo na handa ako sumugal, sumugal

Mga panalangin sana naman ay matupad

Ako walang kasalanan at marunong malugar

At para sa 'yo, baby, alam mo na handa ako sumugal, sumugal

Kung alam mo lang kung ga'no kasarap sa pakiramdam

Na ikaw ay pagmasdan na kumikinang kada titingnan

Sa tuwing nabibitin palagi ang amats, sabay nating titikman

Lumabas na sa 'yong bibig, oh baby, 'di mo ako malilinlang

Kaya 'wag mong ibibintang dahil 'di ako ang mali

Kung sakali man na mawala ka pa sa 'kin ay hindi 'yon madali

Ngayon, pusong malamig, ang pangalan mo lang ang binabanggit

Puwedeng pabalik? Alam ko na nasasabik, baby

Na ako ang makita, 'di maiwasan kahit na mali na

May dala siya na aliling na ako lang ang puwede na makatikim, ah

Tayo lang ang nakakaalam, tayo lang at wala nang iba

Panalangin sana masagot na sa akin ay hindi ka na mawala

Mga panalangin sana naman ay matupad

Ako walang kasalanan at marunong malugar (hey)

At para sa 'yo, baby, alam mo na handa ako sumugal, sumugal

Mga panalangin sana naman ay matupad

Ako walang kasalanan at marunong malugar

At para sa 'yo, baby, alam mo na handa ako sumugal, sumugal

NJ on the track, yeah

- It's already the end -