background cover of music playing
Palagi - Shanti Dope

Palagi

Shanti Dope

00:00

04:25

Similar recommendations

Lyric

Oh, 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam?

Hindi ko na alam ang aking gagawin

Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?

Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang? Oh

Umasa kahit na malayo pa 'ko sa pamantayan mo

Ganito pakiramdam no'ng dumagdag ka pa sa pangarap ko

Matagal nating iningatan 'to habang patago pa kitang maranasan

No'ng ikaw na kahinaan ko, 'tsaka mo 'ko natutunan iwasan

Andiyan agad sa isang tawag mo kaya parang madali sa 'yo bitawan

Mga alaala natin na wala lang sa 'yo, palibhasa, 'di mo kailangan na

'Yoko namang makipaglaban para sa kadahilanang nandiyan siya

Puwede pa din naman na 'di niya malaman, ah, basta 'wag mo 'kong iwanan, puwede ba?

Isip at ang puso, ba't 'di pa palayain?

Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin

Paano, saan, at kailan ka yayakapin?

Sa pag-ikot ng mundo ko sa 'yo, whoa, palagi

Oh, 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam?

Hindi ko na alam ang aking gagawin

Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?

Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang? Oh

Siguro nga, 'di ako 'yong tipo na kaya gawin lahat

Para sa pamantayan mo

Pero sa kabila ng mga binitawan mong pangako

'Di ito 'yong inasahan ko, tawanan bago mo 'ko pangilagan, oh

Isipin mo sana ano tayo dati sa kama niyo

Kahit damo at pamasahe lang nasa pitaka ko

Nakakarating tayong alapaap kada tawa mo

Pula mata kahit 'di man nagkaiyakan, uh

Kahit wala na 'kong panahon para umasa pa

Balewala kung mas madalas, naaalala ka

Sa mga sabi-sabing nakarating sa 'yo

Sana kalimutan mo na parang ginawa mo sa 'ting dalawa

Oo, madami diyan pero tumatak ka sa 'kin

No'ng pati sa kaluluwa mo 'ko nahumaling

No'n, nasabing dapat kita palayain

Ipinangako mo na isinulat mo pa sa hangin

Isip at ang puso, ba't 'di pa palayain?

Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin

Paano, saan, at kailan ka yayakapin?

Sa pag-ikot ng mundo ko sa 'yo, whoa, palagi

Oh, 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam?

Hindi ko na alam ang aking gagawin

Bakit nasasaktan? Ano ang pagkukulang?

Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang? Oh

- It's already the end -